Home » Archives » July 2009
Salamat PPC, Salamat Fr. Rudy Tulibas
July 21, 2009
Taize June 2009 -by Franz Sorilla-
July 20, 2009
Ang mga malalaking pintuan ay sinaradong mabuti. Ang mga ilaw ng mga kandelabra’y pinatay. Nanaig ang katahimikan sa loob ng simbahan. Ang tanging maririnig lamang ay ang malamyos na musikang nanggagaling sa gitara at limang kandila sa paanan ng altar ang nagsisilbing tanging liwanag para sa mga kabataang taimtim na nagdarasal.
Ang Parish Youth Ministry (PYM) ng Our Lady of Fatima Parish (OLFP)ay nagsagawa ng isang Taize prayer sa OLFP church noong ika-7 ng Hunyo 2009 sa pamumuno ng Spiritual Development Committee Head ng PYM Core Group na si Jarita Descallar.
Bago simulan ang Taize, nagkaroon muna ng registration sa main door ng simbahan para sa mga makikilahok sa nasabing event. Doon ay kanilang sinuko ang mga dalang electroni gadgets na siyang maaaring maka-istorbo sa kanila sa Taize. Iniwan rin nila ang kani-kanilang sapatos at tsinelas pagkat sila’y tatapak sa isang banal at sagradong sahig.
Sinimulan ang Taize ng Enthronement kung saan inilagak ang Banal na Bibliya sa paanan ng altar kasama ang limang kandila. Sinundan ito ng pagbibigkas ng mga piling salmo para sa araw na iyon at pauli-ulit na pagkanta nga mga awiting may isa o dalawang linya lamang. Pinagnilayan naman ng mga kabataan ng ilang sandali ang Mabuting balita para sa araw na iyon. Ang intercessory prayer na ginawa matapos ang ilang minutong pagninilay ang pinakamahalagang parte ng Taize. Dito’y isa-isang lalapitan ng mga kabataan ang limang kandila sa paanan ng altar upang manalangin ng taimtim. Limang tao ang maaaring maupo roon para magdasal (isang tao sa isang kandila) habang sila’y inaawitan ng music ministry ng mga Worship songs at mga kantang pangkomunyon. Hawak kamay na inawit ng PYM ang Ama Namin bilang pagtatapos.
Muling binuksan ang mga ilaw nang matapos ang tahimik na pagdarasal ng mga kabataan ng OLFP. At sa puntong iyo’y binati nila ang mga nakadalo sa Taize sa unang pagkakataon gamit ang awiting Welcome to the Family na siyang kanilang masiglang sinayawan. Sumayaw rin sila ng iba pang Joyful songs upang pasayahin ang kanilang mga damdaming hindi nila napigilang ilabas sa intercessory prayer.
Dahil sa matagumpay na Taize payer noong linggo ay napagdesisyunan ng Core Group na isagawa itong muli tuwing unang linggo ng buwan.
Ang pagkakaroon ng Taize prayer ay mabisang paraan para sa mga kabataang magkaroon ng ilang sandaling katahimikan habang kanilang pinagdadaanan ang isang magulo, maingay at nakakapagod na pamumuhay. Dito rin sila nagkakaroon ng pagkakataong kausapin ang Diyos sa tahimik at taimtim na paraan.
PYM Sports Fest 2009 (May 8, 2009) -by Migs Enriquez-


