Home » Post Item » PYM Sports Fest 2009 (May 8, 2009) -by Migs Enriquez-
PYM Sports Fest 2009 (May 8, 2009) -by Migs Enriquez-
July 20, 2009 Tuwing taon, nagaganap ang PYM Sports Fest bilang isang pagsasama-sama ng mga kabataan ng parokya, kaya naman noong ika-8 ng Mayo 2009 nagkaroon ng isang PYM Sports Fest na naganap sa Villa Magdalena 3 Covered Court; ang ginamit namang technical system ay sa GERONIMO FAMILY. Sa taong ito, 50 ang mga kabataang nagparticipate kaya naman nagkaroon lamang ng dalawang grupo, ang Red Dragons (pinamunuan ni Jeff Visayas) at White Tigers (pinamunuan nu Deyan Geronimo). Nagkaroon ng isang mahigpit na laban dahil sa dalawa lang ang magkalaban, laging nagiging mainit ang bawat laro, ngunit pagkatapos naman nito, pagkakaibigan parin ang namumuo. Ang mga sumusunod ay ang mga laro: cheering competition, platform occupancy, basketball, volleyball, kontrapelo, touch ball, at sack race; nagkaroon rin ng best in banner, early bird award at most disciplined group. Sa buong araw, kumpitensya at saya ang naghari, at ang nagtagumpay at hinirang na CHAMPION ay ang RED DRAGONS.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


